Ang Aking Opinyon Tungkol sa Pagbabago ng Wikang Filipino
Ang Pagbabago ng Wikang Filipino Tama ba ang pagbabago ng wikang Filipino? Bilang isang Pilipino, alam naman nating lahat na ang ating wikang pambansa ay Filipino. Ang Wikang Filipino ay ang ating wika na kung saan ay isinaad o inilahad ng Saligang Batas 1987, Artikulo XIV. Sa mga nakalipas na panahon o di kaya naman sa panahon ng mga espanyol, kastila, hapon at mga amerikano noon, makikita natin na ang pagbigkas ng mga kapwa nating mga Pilipino sa wikang Filipino ay sadyang makata, napakalinis, malumanay, at malalalim ang mga kahulugan nito. Ngunit sa paglipas ng panahon, lalo na sa modernong mundo na ito, makikita natin na ang wikang Filipino ay nagbago na. Makikita natin na sa mga tao ngayon ay iba na ang kanilang pagbigkas sa mga ito. Madalas ang ginagamit na salita ng mga kabataan ngayon sa henerasyon na ito ay mga salitang balbal o di pormal na salita. Ngunit para sa aking opinyon tungkol sa sa napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa sa naibig...