Ang Aking Opinyon Tungkol sa Pagbabago ng Wikang Filipino

Ang Pagbabago ng Wikang Filipino

Tama ba ang pagbabago ng wikang Filipino?


          Bilang isang Pilipino, alam naman nating lahat na ang ating wikang pambansa ay Filipino. Ang Wikang Filipino ay ang ating wika na kung saan ay isinaad o inilahad ng Saligang Batas 1987, Artikulo XIV. Sa mga nakalipas na panahon o di kaya naman sa panahon ng mga espanyol, kastila, hapon at mga amerikano noon, makikita natin na ang pagbigkas ng mga kapwa nating mga Pilipino sa wikang Filipino ay sadyang makata, napakalinis, malumanay, at malalalim ang mga kahulugan nito. Ngunit sa paglipas ng panahon, lalo na sa modernong mundo na ito, makikita natin na ang wikang Filipino ay nagbago na. Makikita natin na sa mga tao ngayon ay iba na ang kanilang pagbigkas sa mga ito. Madalas ang ginagamit na salita ng mga kabataan ngayon sa henerasyon na ito ay mga salitang balbal o di pormal na salita. Ngunit para sa aking opinyon tungkol sa sa napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa sa naibigay na panayam o artikulo, tama ba ang pagbabago ng wikang Filipino? 

          Para sa akin, hindi kailanman magiging tama ang pagbabago sa wikang Filipino sapagkat ang pagbabago sa wikang pambansa natin ay nagpapakita ito ng kawalan ng respeto at pagpapahalaga sa ating sariling wika. Hindi kailan man nararapat na baguhin ang pagbigkas sa mga ito sapagkat kung paano man natin bigkasin ang isang salita, ay nararapat na ganoon pa rin ang pagbigkas nito. Kaya ito ay nagpapakita ng kawalan ng respeto dahil makikita natin dito na parang pinapakita natin na may karapatan tayong baguhin ang ating sariling wika at pinapakita natin na hindi ito karapat dapat na respetuhin. Gaya nang nasa artikulo, ayon kay Edison Yunesco na hindi niya tanggap ang paraan ng pag tetext o pagsabi ng mga kabataan ngayon gaya ng "d2o na me, asan na u." Base dito, ako ay sumasang-ayon sa kaniya. Hindi kailanman magiging mabuti ang pagbibigkas o pagsabi ang ganitong mga salita. Pinapakita lang natin na sobrang marumi ang ating wika na kailan ay hindi dapat. Gaya ng nakikita natin sa ibang bansa, makikita natin na wala kahit sa kanila ang nagbago at binago sa kanilang mga sariling wika. Makikita naman natin na kung saan sila lumaki ay binibigkas nila ang kanilang lengguwahe ng maayos, may paggalang at may respeto. Ayon nga kay Yunesco, "Bakit hindi na lamang Hapon kung Hapon at Ingles kung Ingles." Ang kanyang opinyon na ito ay sumasang ayon ako sapagkat may punto siya at nararapat lang na kung ang wika natin ay wikang  Filipino, nararapat lang na magsalita lamang tayo ng wikang Filipino. Sa ganoon, pinapakita natin dito ang pagmamahal natin sa ating wika at kahit ilang panahon na ang lumipas ay nararapat lang na isapuso at bigkasin ang ating wika ng tama, marangal at may paggalang. At kahit man nagbago man ang ating mundo at ang takbo nito, ay nararapat sana na huwag nating baguhin ang ating sariling wika sapagkat may mga bagay na nararapat na huwag nating baguhin at pahalagan ito ng buong puso. Sa panahon ngayon, nakikita ko ang aking mga kapwa kabataan na nagsasalita ng mga balbal na salita o mga salitang hindi maintindihan na kung saan ay sila lamang ang nakakaintindi. Kung sa iba ay tama lang na magsalita ng ganoon, ngunit para sa akin ay hindi nararapat sapagkat hindi lahat ng mga salita na kanilang binibigkas gaya ng "omsim," "sana all," "petmalu," at "ganern" ay maiintindihan ng iba at may mga ibang tao ay ayaw ang pagbigkas or makarinig ang mga ganitong salita sapagkat ito ay hindi maganda sa pandinig at ito ay nagpapakita ng kawalan ng disiplina sa ating sarili pati na rin sa ating wika. Dahil nasa modernong mundo tayo, kung hindi natin alam ang ganitong mga salita ay pagtatawanan ka ng mga tao at sasabihin na makaluma ka. Ang ganitong pag iisip ay sobrang hindi maganda. Ayon sa tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino na si Virgilio Almario, bilang punong tagasuri ng wikang Filipino, wala siyang nakikitang masama sa pagbabago sa wika. Paliwanag pa niya na baka lalong hindi maintindihan ang mga susunod na henerasyon kung mananatiling makaluma ang paggamit sa wika. Giit pa ni Almario, araw-araw na nagbabago ang buhay na wika at ang pagbabago ay isang katotohanang kailangang tanggapin. Para sa kanya, ang mahalaga ay nauunawaan ito ng bawat isa. Ang kanyang pahayag na ito ay hindi ako sumasang-ayon sapagkat hindi porket na ang pagbabago ay isang katotohanang kailangang tanggapin ay nararapat lang na magbago na agad. May mga bagay na hindi nararapat na baguhin sapagkat ito ay ang ating wika noon pa man na kung saan ay buhay pa ang ating mga pambansang bayani. Kung buhay pa ba sila ngayon sa mundong ito ay magiging karapat dapat ba na baguhin ang pagbigkas sa ating wika? Papayag ba sila kapag mabago ang ating Wikang Filipino? Hindi ba ay hindi sila papayag? Ako ay naniniwala na hindi sila papayag o sasang-ayon sapagkat alam nila kung ano ang ikakabuti ng bawat isa o bawat Pilipino sa bansang Pilipinas. Para sa akin, hindi ako sang-ayon sa sinabi ng tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino na si Virgilio Almario sapagkat hindi kailan man magiging tama at hindi rin magiging karapat dapat na sabihin na ang wika ay hindi maintindihan ang mga susunod na henerasyon kung mananatiling makaluma ang paggamit sa wika. Kung tutuusin, mas marami pa ngang mga matatanda o ibang tao ngayon ang hindi nakaka intindi sa mga bagong wika na ginawa ng mga tao ngayon at isa na ako doon. Mas nararapat pa na magsalita ng matalinhaga na salita kaysa magsalita ng wika na hindi kailan maiintindihan ng tao at hinding hindi maganda sa pandinig. Sa karagdagan, hindi rin sapat na nagkakaintindihan tayo sa isang bagong wika na pinalaganap ng mga kabataan ngayon. Kung tutuusin hindi naman lahat ng ito ay maiintindihan ng mga tao ang mga bagong salita na mga iyan. Ngunit sana ay nararapat pa rin na magsalita tayo kung ano man ang wika natin noon at magsalita ng maayos, matuwid at may respeto sa ating wikang pambansa na Filipino. Hindi ko masisisi ang mga ibang kabataan ngayon sa kanilang mga bagong salita na kanilang binibigkas sapagkat ang wika ay isang dinamiko gaya ng sabi ng karamihan ngunit sana, pahalagahan pa rin nila ang sarili nating wika kahit karamihan sa atin ay hindi naiintindihan ang iba. 

          Ang wika natin ay sobrang mahalaga kaya sana ay patuloy natin itong ingatan, ikarangal, mahalin at hangaan natin ito. Gamitin natin ito sa tamang paraan at huwag natin ito dungisan. Hindi man ako sang ayon sa pagbabago sa wikang pambansa natin na Filipino, ngunit akin na lang itong rerespetuhin at iintindihin. Ako ay umaasa na pahalagahan pa rin nila ang ating wikang pambansa at gamitin ito ng wasto

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Aking Opinyon Tungkol sa Pagbabago ng Wikang Filipino

Ang Aking Opinyon Tungkol sa Pagbabago ng Wikang Filipino